Basti’s blog

Just another WordPress.com weblog

  • Imbakan

  • Ang huli kong ginawang kalokohan

  • Tungkol sa aking Blog

    uhhmm.... tungkol lang naman ito sa mga pinoy na walang magawa, mga pinoy na choosy, mga pinoy na kyut (oops baka may flatter), mga pinoy na alam mo na, mga pinoy na drogista at demonyo tulad ng aking mga tropa pero hindi lahat.

    Pasasalamat: Salamat sa aking mga guro at friendships Salamat sa coke at sa eat bulaga (search nyo sa youtube "wowowee) Tenk u for ur comments wooot Salamat sa aking family for their support Tenk u din kay Lord binigay dahil sa blessings un lng tska pakibasa na dn ung gawa ko pero hindi ko balak kalabanin si Bob Ong hehe
  •  

    Disyembre 2008
    L M M H B S L
        Ene »
    1234567
    891011121314
    15161718192021
    22232425262728
    293031  

Imbakan para sa Disyembre, 2008

Paskohan!

Posted by basti sa Disyembre 21, 2008

Sa Pilipinas na siguro ang pinakamasayang pasko.

Alam mo kung bakit…….

Unang una masarap ang handa dito kasi kahit spaghetti, pancit, chicken, adobo, mechado, caldereta, afritada, pork chop, nilaga, sinigang, pritong isda, lechon kawali, lechon baboy, lechon manok, pizza, ampalaya, asuzena, isaw, at laman ng kabayo di ata palalagpasin matikman ng mga pinoy. Mabubusog ka nga sa mga pagkain dun eh, pati yung mga aso at pusa namin, lalo na yung daga at ipis nagdidiwang din ng pasko. Marami ang tira- tirang pagkain eh, sayang nga di man lang nakain ang iba, kaya nga meron tayong aso at pusa at ipis at daga, kaso di rin nila kaya. Ang solusyon itatabi sa refrigerator, kaso tulad ng pansit o basta di kasi ako magaling dyan, napapanis. Pero ok lang yun, basta masaya ang pasko at ang essence nito ay para mag share ng blessings sa mga kapitbahay at tao sa iyong paligid.

Ikalawa ay yung uhhmm, Exchange Gift ba, dito ang unique na exchange gift kasi dapat pantay ang presyo. Kapag may naiwan ngang tag price sa regalo at ang nakalagay ay 100 pesos, kung saan ang pinagusapan ay 150 pesos, pramis iisipin nyan nadaya ako. Pero ok lang yun kasi kahit anong regalo na nakuha dito tulad ng laruan, damit, mug, candle, frame, wallet, libro, watch, alkansya, design, hanger, speaker, webcam, digicam, PSP, cellphone (N95/Iphone), Desktop, Bike, Kotse o di kaya babae. Halimbawa ako ay 20 years old na lalaki at iniregalo sa akin ay teddy bear, syempre medyo disappointed ka at iisipin mo “Pede ba teddy beer na lang” edi mas ok pa kung ganun. Pamimigay mu na lang yan sa kapatid mo o sa syota mo at irerepack mo na lang.

Ikatlo yung Pamilya ba. Sa amin pupunta yan sa isang lugar para magcelebrate ng pasko, specific ay yung sa bahay ng lolo namin dito. Astig nga eh, akala mu nga parang nagkasakit ako nang cancer at last day ko na yun. Tsaka pag andito mga pinsan ko pramis magulo ang bahay, yung mga gift wrapper iiwan sa lapag, yung plastic ng lalagyanan iiwan din, yung virus nilang dala galing sa bahay nila dala hanggang dito, at yung kanilang kulit pocha hanggang dito dala nila. Uhmmm… pati siguro yung kalat nila sa bahay dinala dito yung alikabok. Minsan nga nakikitulog pa dito (Nakatira ako sa bahay ng lolo ko) kapal ng mukha di pa nagdala ng sariling kutson hayyz. Pero ok lang kasi gusto ko yung maingay at maraming kausap tila nga karaoke bar pag gabi kasi may nagkakaraoke sa labas ang ingay yung mga kanta, uhmm.. mga Eagles, AirSupply, Heart, Nazareth at ewan ko ba. Pati ata Asin meron hayzzz.

Ikaapat ay yung Christmas decoration, yan ang nagpapaningning ng ating pasko. Sa lahat ng celebration dito pasko ang pinaghahandaan kasi nga ito ang pinakaimportante. Tayo nga nag-pauso ng simbang gabi tapos may kasamang puto bumbong at bibingka sarap nun haha. Akalain mo yun ngayon taon ay maraming gumawa ng giant christmas tree, pati belen at iba pang decorations. Astig nga eh lalo na yung sa Policarpio st. ata yun sa Marikina mga mayayaman dun bongga yung design, yung bahay mismo di na kita sa sobrang dami ng ilaw. Pero babala daw sa mga gumagamit ng Christmas lights na bili lang sa mga bangketa baka mag short circuit at baka masunog ang bahay nyo. Hirap kaya nun, yung bahay mo sunog tapos magpapasko, masakit talaga yun, lalo na kapag may namatay. Buhay nga naman.

At ang huli yung usapan ba. Masaya yun kasi kwentuhan haha. Nagkakagulo dahil may iba’t ibang kuro kuro sa iba’t ibang panig. Nagkakasiyahan dahil sa kwelang patawa ng mga utol mo, pinsan, tito, tita, nanay, tatay, bantay, multo, batang lansangan, bwisita, at iba’t iba pang mga nilalang na nakikita. Meron nga nalulungkot kasi pangit nakuhang regalo, kaunti ang aguinaldo at heart broken, peste pangit na araw nila, mag emo na lang kayo. Korny yun dapat tayu ay mag saya para masaya ang ating alaala dahil sa araw na yun tayo ay dapat magpasalamat na buhay pa tayo hanggang sa araw na yun. Ang buhay ay parang speaker kung anu-ano ang napapakikingan, pwedeng mahina, pwedeng malakas subalit maaring patayin o tanggalin ang saksak at pagsira na ay pwedeng itapon.

Ipinaskil sa christmas, holiday, Kwento | Minarkahan: , , , , , , , , | Mag-iwan ng Puna »

Depression is on the way….

Posted by basti sa Disyembre 13, 2008

How do we notice that we feel recession?

How can we survive this recession?

And how can we turn the recession to recovery?

So that’s the big question, because i know that after recession is depression, according to the business cycle we tackle about economics. If the economist, analyst, businessmen, investors, politicians and the international organizations have turn it to the state of recovery then it is called a good strategy. But as we continue to grow and live unsatisfied, the economy will never satisfy. Let’s talk about the problem here, what is the cause of this crisis, at the start of September we experience cost cutting by the companies, which includes job loss and low production. It all started by Fannie Mae and Freddie Mac in which they cannot support anymore their customers in mortgaging homes. The next company that file for its big loss was Merill Lynch which he sells itself from the Bank of America. The large insurer AIG(American International Group) has suffered because of the downgrade of credit rating. Lehman Bros, one of the largest bank in the Wall street has file for bankruptcy. This chain of events lead to serious disaster not just in the history of America but the history of Global Market.

Hayzzz…. Ang hirap talaga mag english, pero di ko copy paste yan sa internet. Nagresearch ako at ayun nga nakakalungkot na may recession nga. Eh anu ba  yung recession?, pagbawas ng GDP o Gross domestic product ng 2 quarter ng taon ng isang bansa, kung anu ang GDP iresearch nyo na lang sa wikipedia.org. Mukhang di nga tayo apektado eh, di ko ramdam, kamo ang baba ng gas at parang wala masyadong pagtaas ng presyo ng bilihin. Pero sa lahat ng bumaba ang presyo ay yung harina kasi favorite ko yung tinapay, dati nung mga 2001 ay piso lang tapos biglang 2.50 nung 2007. Tapos naging 2 piso nalang, sa wakas!

Sa mga nakaraan na buwan ay na-feel ko yung recession eh, yung tipong pagsakay ko sa jeep ay ramdam ko eh. Pero sa mga katabi ko ok lang, kasi nga chicks haha, pero yun tsuper asar na asar kasi naman maraming nag 1,2,3. Nung mga 2nd Quarter to 3rd Quarter ng 2008 ay umabot yung gas ng 150$ per barrel, eh kung ang isang barrel nito ay 159 liters, aba mukhang mga 50pesos per liter diba. Buti nalang ngayon kasi mga 43$ per barrel na lang kaya naman ay tuwang tuwa ang tsuper kung saan pasakit sa mga pasahero. Dapat nga nagbaba na ng pasahe eh, sakit sa bulsa. Kung dati ay 7 lang ang first four kilometers ngayon ay 8, tapos ayaw pa magbaba anu ba naman yun diba, ginugulangan kami, pero ok lang kasi discounted 7 pesos lang.

Alam nyo na ba na ang  populasyon ay ang unang una na dahilan kung bakit may naghihirap, nagpapakasakit at lalo na ang inaalipin, pucha naman ang dami talaga natin dito eh. Halos wala nang tataniman dito eh, yung mga lupa ng taniman ng palay, gulay, mais, bakal, mga opisyal na kurakot at mga taong gumagawa ng wala. Yun nga talaga ang dahilan kaya mahal ang pagkain, kung nag-aral kayo ng Supply and Demand. Nabanggit dun na kapag mataas ang demand, mataas ang presyo. At kapag mababa ang supply, tataas naman ang presyo. Ayos ba, favorite subject ko ata yan haha (dapat nga commerce na lang ang course ko). Kung napansin ninyo yung NFA rice, ang mura mga 18.75 pero low quality kasi medyo matigas kapag isinaing, ewan ko lang kung sa saing yun o dun. Basta mura talaga siya kumapara mo sa mga 45 na fancy, 40 na premium, tapos 35 na ewan ko,  30 na malay ko at yun meron pang hirit 25 pesos galing naman US. Sosyal nga eh galing US eh di imported, so pag kumain ka nun sosyal ka na huh?

Ipinaskil sa economics, Kalokohan, kamangha-mangha, Kwento, politics, Uncategorized | Minarkahan: , , , , , , , , , , , , | Mag-iwan ng Puna »

Pacman imba

Posted by basti sa Disyembre 8, 2008

Lakas talaga ng pambansang kamao in short imba. Akalain mo yun naputanayan niya na mismatch ang laban kay De La Hoya, galing ng taktika woot. Ang bilis talaga ni pacman parang si banehallow pag naka wolf form at ang agility ay parang si morphling na nag morph ng agi at ang evasion ay parang si windrunner yung skill niya din na windrunner woot. Kung marunong kayong magdota panigurado kuha ninyo agad ang pagka imba ni Pacquiao, tsaka di lang ang bilis pati lakas ng kamao. Parang si Sven na naka GS si pacman at ang strategy ay hit and run, parang viper kung saan napapabagal niya din si Golden Boy. Nung nakorner naman ay parang si Troll Warlord, halos di na makagalaw si Pacman woot. Pero hindi niya ito napabagsak kasi malakas din si De La Hoya tulad ni Centaur, makunat at matigas pero mahina ang damage. At isa pa hindi niya ma-stun si Pacquiao sa umpisa, tsumetsempo si Golden Boy ng malakas na suntok tulad ng Laguna Blade ni Lina Inverse, kaso walang mana eh. Pag umuwi kasi sa well(korner ni De La Hoya) ay hindi puno ang mana pool. Tsaka kulang sila mag gang bang strategy, di tulad ni Anub’arak ang lakas kahit isa eh, kaso hindi ganun si Golden Boy. Parang nadrunken haze ata siya ni Mangix, ang bano sumuntok o di kaya kasing galing lang ni Clinkz si Pacquiao umiwas sa laban, hehe. Tapos bago mag simula ang round 9 ay nagquit, “quiters amf”, haha. Imba talaga si Pacquiao pagdating sa boxing, isa siyang “Mexicutioner”, translate ko ay mananbas ng mga mexicano. Katakot di ba?, eh ganun talaga kung ikukumpara mo si Pacman sa DotA ay late bloomer or late gamer na  agi type tulad ni Geomancer, Juggernaut, Spectre, Phantom Lancer, Phantom Assassin, Dwarven Sniper, Drow Ranger, Stealth Assassin, o  si Lightning Revenant. Kung tutuusin pwede na ata siyang mag taas pa ng timbang, kaso mahirap baka ma overweight hehe. Sa lahat ng napansin kong maganda kay Pacman ay tila maraming politiko sa likod lalo na si Gobernor, lagi siya nandun sa laban ni Pacman hehe. Tapos nabanggit nya nga may ibang congressman dun, wow, anu to’ politics, nakakalimutan ninyo sports to’, dapat dun nalang kayo sa Pinas gumawa ng batas at ipasa ito. So yun nga hehe, dapat ipagbunyi imba ang pinoy woot.

Ipinaskil sa hero, Kwento, sports | Minarkahan: , , , , , , , , , | Mag-iwan ng Puna »

Kritiko ng Pelikula

Posted by basti sa Disyembre 6, 2008

“Ikaw lang ang aking iibigin”

“Ikaw lang at wala ng iba”

Yan ang mga kataga na laging kong naririnig sa pelikula o telebisyon ngayon habang tinatype ko. Sa lahat ng napansin ko parang pare-parehas lang ang sinasabi o ang script, yung acting  ganun din, tapos yung kwento predictable at higit sa lahat ang ginagawa nila ay pare-parehas tulad ng lagi ang pulis huli sa eksena. Syempre sa umpisa naman masaya pero pagdating ng mga gitna ayan na ang mga masasamang loob in english “Bad guys”. Ang pansin ko laging hostage ang pakay nitong mga to, tapos ransom. Ang gumaganap sa ganyan eh yung mga malalaki ang katawan pero pag sa labanan walang silbi, tapos dapat may bigote at balbas para katakot-takot. So pagkahostage sasabihin ang kailangan “5 million pesos ah, at wag nyong subukan tumawag ng pulis”, nakakatakot di ba. Ang laging nahohostage ay bata kasi daw mahal ng magulang, eh kung pinabayaan yun di ba, talo ang hostage taker, pero hindi lang yan kahit mga bente anyos na kinikidnap pa. Kung saan di naman talaga nangyayari sa buhay natin, ewan ko lang kung bakit hindi nababalita kung meron talaga. So yun nga, to the rescue syempre ang family, friends, relatives, si bantay, si Mang Jose(may kanta nito ang Parokya ni Edgar), si Captain Barbel, si Darna at pati ikaw baka mapasubo dahil nga nagpapadala ka sa istorya na alam mo ang kakalabasan. Anu pa ba ang resulta?, edi panalo ang good side versus bad side ng walang namamatay tapos ang matindi dun nabugbog nila ang mga “Bad Guys” na may armas at baril, lakas nila noh. Meron pa pati babae lumalaban, wow naman diba sobrang katotohanan na pati babae ang lalakas, anu ba akala nila sa sarili nila si Darna. Napansin ko din na lagi sa Warehouse, anu ba meron sa warehouse, gubat ba yun ng mga produkto na pwede mo talagang pagtaguan, o bahay ampunan sa mga kidnappers at kidnap victims. Nakakatawa isipin na sa lahat ng pelikula sa pinas ganito eh

Sa isa pang dako, ang pilipino makakalimutin, alam mo kung bakit kasi nga laging may amnesia, sosyal di ba. Ang sanhi nauuntog sa matigas na bagay na kapag nauntog nagkakapalit kayo ng memorya at alaala, tapos babalik ito kapag nauntog ka uli. Bongga di ba, ayun yung point ko dun laging may amnesia, laging naoospital dahil nga sa pagkabagok at presto!, nawalan ng alaala. Kung lahat tayo ay sawi o may malaking problema at gusto itong makalimutan aba pwede tayo magpakabagok sa bato, semento, kahoy, bakal, asphalto, salamin, plastic, porcelain, o sa bote ng alak o di kaya para mas maganda ang iyong aksidente kunyari lang ay magpalaglag sa 6th floor ng condo unit mo para mawala ka na sa mundo. Eto din tungkol sa health, walang nagkaka cancer, aids, TB, bronchitis, polio, diabetis, leukemia, bulutong, dengue, malaria, measles, tetanus, hepatitis, ubo, sipon o SARS, kasi naman laging high blood at sakit sa puso para pag nabigla sa eksena ospital ang larga, malayo ang mapupuntahan ba. Kapag SARS mas malayo di ba baka nga sa kabilang buhay na eh, tsaka mas tipid sa tao kung ganun kasi alis na siya sa eksena. Wala din namamatay sa cancer, siguro yung mga true to life story kamo meron kaya nga true eh.

Tungkol naman sa business, syempre hindi papahuli ang pilipino dyan sa larangang yan. Kasi ba naman sa halos lahat ng istoryang napanuod ko laging may agawan sa kompanya. Walang kasawa sawa na makitang natatalo ang “Bad Side” na nangaagaw ng pwesto sa “Good Side”. Sa umpisa pa lang may balak na BS(Bad Side para maikli lang) para kunin ang pwesto kay MY(mayaman in short) syempre para yumaman. Ang katangian ng BS syempre laging tuwang-tuwa kapag naaksidente ang GS pero kapag sila ang naaksidente aba malas ko lang pero hindi karma, oh diba ang bobo. Minsan nga mataray, yung kilay abot na sa noo, tapos yung kanilang ugat puputok na sa galit at aagos ng dugo, kaya talaga ang pagka-carry away ng pinoy sa drama. Kaso si GS(Good side malamang) ay hindi nagpapatalo pero patago naman kasi pa humble pa kaya nga good eh, so laging may planong palpak ang BS natin. Pero sa kahuli-hulihan ay magtatagumpay sa plano kaso talo pa din kasi nga mas malakas sa direktor ang GS at mukhang mas malaki ang kita ng GS. Pero nakakasuka na paulit-ulit ang kwento dito kasi naman itong mga Pilipino laging uto-uto, haha kung saan laging nagpapadala sa mga kwento.

Politics, dito sa area na ito ay masyadong maangas, kasi tunggalian at suhulan sa gobyerno, panigurado lahat ng politiko dito nakakakuha ng idea sa pangungurakot. Syempre ang pulis dyan laging may eksena, sila ang tinatawag na divider, tapos si Congressman, barong tagalog ang suot pero sa puso, @%!#; ang dumi ng loob parang kanal na merong patay na daga sa loob at pinaninirahan ng ipis na lumalangoy kasama ang mga tae at basura, hindi ko mapigilan ang galit haha pero walang personal experience kundi national experience ika nga. Tapos minsan nakita ko may drugs tulad ng cocaine, marijuana at shabu, syempre pera din yan ng mga politiko. Mukhang nawawala tayo sa topic kaya ibabalik ko sa pelikula tungkol sa politika kung saan si Mayor ay nasusuhulan, nauuto (kaya nga naging opisyal tapos na-uto lang), nareregaluhan, at higit sa lahat yumayaman, naks naman. Syempre talo dito ang GS pero sa huli kulong si Mayor di kaya si Congressman o si Gobernor. Pero sa lahat ng kwento ay wala man lang Senator, House Speaker, Presidente o Supreme Court puro na lang nasa mababang kapulungan o yung mga mababa ang pwesto. Pansin ku din na sila ang talamak sa kurakot (yung mayor, CG, at Gob.) kasi nga sa kanila napupunta ang pera, hayzz. Alis na nga tayo baka kung anu pa ang masabi ko sa kanila kasi naman eh.

Sa mga baril at kagamitan sa laban naman tayo, dito ako bilib sa artista kasi ang galing umiwas sa bala, tapos ang babano ng kalaban, babaril na lang puro “miss” anu ba yun may evasion na 100%. Ang gusto ko nga manyari doon ay mabaril sila ng todo todo yung kamo full magazine ng baril ay maubos para sa bida ng pelikula. Ganun talaga kapag malakas kay Direk laging panalo ang bida, kaya nga bida diba, pero bakit si Shakespeare ang bida laging dead on arrival or nagsuicide, bakit sa atin walang man lang na namatay na bida or so called Tragedy. Sa pagsaksak o pagpalo dito mas bano ang kalaban, humihinto ba naman sa eksena kung saan bugbog siya ng bida na gamit ay kamao o bolo para tagain siya pero tanga talaga eh, yung kamo pagkapalo niya ay hihinto para pagbigyan ang bida, eh kung hindi ka tatanga ay di hindi ka mabubugbog. Minsan nga eh parang ang tingin sa kanila ng audience ay walang laman ang ulo akalain mu nalulusutan ng bida haha. Anyways, ganyan ang pinoy pina-pahina ang tingin sa mga BS na malalaki ang katawan.

At ang huli ay tungkol sa fantasya dito talaga marami akong gustong sabihin hehe. Dito sa larangan ito favorite ng pinoy, kahit ang sagwa ng effects. Pero may nakita akong sobrang natawa ako yung umilag sa bala kahit nasa tapat na ito, pramis wow talaga, ni wala man lang galos $%#@! whoo. Yung next ay yung fighting style parang masagwa din kasi ang pangit ng porma, yung espada parang di bagay sa humahawak ang baduy. Ang pagbaril naman parang hindi makatotohanan kasi yung camera angle hindi tulad ng Counter Strike kasi hindi gumagalaw o nag bunny hop. Yung pagsanga hindi tulad ng Spartans sa pelikulang 300, dapat may “awoo, awoo”. Ang pagpatay ng tao gamit ang kutsilyo medyo astig kasi murder eh, yung dudugo talaga, pero pag nag assassinate tulad ng gangbang na nakuha sa salitang tambangan na ang ibig sabihin ay ambush ay korny ang pelikula dyan. Kapag korner ang bida laging nakakaligtas, dapat nga masabugan sila ng sasakyan nila para bongga haha. Pero dapat sa fantasy tayo, ang comment ko lang ay dapat wag nyo madaliin kasi naman baduy, korny, pangit, sagwa, dingaloo, chenez, cheverly, badet, at marami pang kadirihan sa effects hehe. Kaya sa huli dapat mag-isip kayo ng bago please lang huh……… at tsaka dapat yung kaakit-akit yung mga eksena yoko na tulad ng kalumaan magbago na kayo para sa bagong taon. “awoo, awoo”

Ipinaskil sa Kalokohan, Jokes, Kwento, movie, Book | Minarkahan: , , , , , , , , , , | 1 Puna »

Una kong blog (wag na basahin!)

Posted by basti sa Disyembre 1, 2008

Sa simula ay hindi ko alam kong paano magregister talaga dito. Pero ikwekwento ko, Sa pagkakaalam ko madali lang pero madali lang talaga kaya walang kwenta itong una kong blog. Itype mo lang naman ang pangalan, e-mail address, password (meron pa ngang bad at good), blog title, at ang syempre ang website. Buti nga wala yung isa, yung itype mu kung anu yung letra na nakikita mo, eh kung malabo mata, di ka na pwede. Hihingi ka pa ng tulong kapag meron pang ganun. Tsaka napansin ko na malaki ang letra nung nag sign up ako siguro ang font size ay 25. Pangmalabo talaga mata ang wordpress kaya nga pwede ang matanda o bata kasi walang birthday na tinanong kaya nga ok lang sa kin parang hindi nila ginagalaw ang privacy ko. Ang bago dun marami ang language na pwedeng gamitin para sa mga links. Napabilib nga ako nung una akala ko nga eh na tagalog dapat ang blog mo hindi english, kahit din pala english yung language mo pwede mag tagalog (@#%!) pasyensya kasi nabilib lang talaga ako. Pero yun lang masasabi ko sa ngayon. haha

Ipinaskil sa Jokes, kamangha-mangha, Kwento | Minarkahan: , | Mag-iwan ng Puna »

 
Follow

Get every new post delivered to your Inbox.