Basti’s blog

Just another WordPress.com weblog

  • Imbakan

  • Ang huli kong ginawang kalokohan

  • Tungkol sa aking Blog

    uhhmm.... tungkol lang naman ito sa mga pinoy na walang magawa, mga pinoy na choosy, mga pinoy na kyut (oops baka may flatter), mga pinoy na alam mo na, mga pinoy na drogista at demonyo tulad ng aking mga tropa pero hindi lahat.

    Pasasalamat: Salamat sa aking mga guro at friendships Salamat sa coke at sa eat bulaga (search nyo sa youtube "wowowee) Tenk u for ur comments wooot Salamat sa aking family for their support Tenk u din kay Lord binigay dahil sa blessings un lng tska pakibasa na dn ung gawa ko pero hindi ko balak kalabanin si Bob Ong hehe
  •  

    Disyembre 2008
    L M M H B S L
        Ene »
    1234567
    891011121314
    15161718192021
    22232425262728
    293031  

Archive for Disyembre 6th, 2008

Kritiko ng Pelikula

Posted by basti sa Disyembre 6, 2008

“Ikaw lang ang aking iibigin”

“Ikaw lang at wala ng iba”

Yan ang mga kataga na laging kong naririnig sa pelikula o telebisyon ngayon habang tinatype ko. Sa lahat ng napansin ko parang pare-parehas lang ang sinasabi o ang script, yung acting  ganun din, tapos yung kwento predictable at higit sa lahat ang ginagawa nila ay pare-parehas tulad ng lagi ang pulis huli sa eksena. Syempre sa umpisa naman masaya pero pagdating ng mga gitna ayan na ang mga masasamang loob in english “Bad guys”. Ang pansin ko laging hostage ang pakay nitong mga to, tapos ransom. Ang gumaganap sa ganyan eh yung mga malalaki ang katawan pero pag sa labanan walang silbi, tapos dapat may bigote at balbas para katakot-takot. So pagkahostage sasabihin ang kailangan “5 million pesos ah, at wag nyong subukan tumawag ng pulis”, nakakatakot di ba. Ang laging nahohostage ay bata kasi daw mahal ng magulang, eh kung pinabayaan yun di ba, talo ang hostage taker, pero hindi lang yan kahit mga bente anyos na kinikidnap pa. Kung saan di naman talaga nangyayari sa buhay natin, ewan ko lang kung bakit hindi nababalita kung meron talaga. So yun nga, to the rescue syempre ang family, friends, relatives, si bantay, si Mang Jose(may kanta nito ang Parokya ni Edgar), si Captain Barbel, si Darna at pati ikaw baka mapasubo dahil nga nagpapadala ka sa istorya na alam mo ang kakalabasan. Anu pa ba ang resulta?, edi panalo ang good side versus bad side ng walang namamatay tapos ang matindi dun nabugbog nila ang mga “Bad Guys” na may armas at baril, lakas nila noh. Meron pa pati babae lumalaban, wow naman diba sobrang katotohanan na pati babae ang lalakas, anu ba akala nila sa sarili nila si Darna. Napansin ko din na lagi sa Warehouse, anu ba meron sa warehouse, gubat ba yun ng mga produkto na pwede mo talagang pagtaguan, o bahay ampunan sa mga kidnappers at kidnap victims. Nakakatawa isipin na sa lahat ng pelikula sa pinas ganito eh

Sa isa pang dako, ang pilipino makakalimutin, alam mo kung bakit kasi nga laging may amnesia, sosyal di ba. Ang sanhi nauuntog sa matigas na bagay na kapag nauntog nagkakapalit kayo ng memorya at alaala, tapos babalik ito kapag nauntog ka uli. Bongga di ba, ayun yung point ko dun laging may amnesia, laging naoospital dahil nga sa pagkabagok at presto!, nawalan ng alaala. Kung lahat tayo ay sawi o may malaking problema at gusto itong makalimutan aba pwede tayo magpakabagok sa bato, semento, kahoy, bakal, asphalto, salamin, plastic, porcelain, o sa bote ng alak o di kaya para mas maganda ang iyong aksidente kunyari lang ay magpalaglag sa 6th floor ng condo unit mo para mawala ka na sa mundo. Eto din tungkol sa health, walang nagkaka cancer, aids, TB, bronchitis, polio, diabetis, leukemia, bulutong, dengue, malaria, measles, tetanus, hepatitis, ubo, sipon o SARS, kasi naman laging high blood at sakit sa puso para pag nabigla sa eksena ospital ang larga, malayo ang mapupuntahan ba. Kapag SARS mas malayo di ba baka nga sa kabilang buhay na eh, tsaka mas tipid sa tao kung ganun kasi alis na siya sa eksena. Wala din namamatay sa cancer, siguro yung mga true to life story kamo meron kaya nga true eh.

Tungkol naman sa business, syempre hindi papahuli ang pilipino dyan sa larangang yan. Kasi ba naman sa halos lahat ng istoryang napanuod ko laging may agawan sa kompanya. Walang kasawa sawa na makitang natatalo ang “Bad Side” na nangaagaw ng pwesto sa “Good Side”. Sa umpisa pa lang may balak na BS(Bad Side para maikli lang) para kunin ang pwesto kay MY(mayaman in short) syempre para yumaman. Ang katangian ng BS syempre laging tuwang-tuwa kapag naaksidente ang GS pero kapag sila ang naaksidente aba malas ko lang pero hindi karma, oh diba ang bobo. Minsan nga mataray, yung kilay abot na sa noo, tapos yung kanilang ugat puputok na sa galit at aagos ng dugo, kaya talaga ang pagka-carry away ng pinoy sa drama. Kaso si GS(Good side malamang) ay hindi nagpapatalo pero patago naman kasi pa humble pa kaya nga good eh, so laging may planong palpak ang BS natin. Pero sa kahuli-hulihan ay magtatagumpay sa plano kaso talo pa din kasi nga mas malakas sa direktor ang GS at mukhang mas malaki ang kita ng GS. Pero nakakasuka na paulit-ulit ang kwento dito kasi naman itong mga Pilipino laging uto-uto, haha kung saan laging nagpapadala sa mga kwento.

Politics, dito sa area na ito ay masyadong maangas, kasi tunggalian at suhulan sa gobyerno, panigurado lahat ng politiko dito nakakakuha ng idea sa pangungurakot. Syempre ang pulis dyan laging may eksena, sila ang tinatawag na divider, tapos si Congressman, barong tagalog ang suot pero sa puso, @%!#; ang dumi ng loob parang kanal na merong patay na daga sa loob at pinaninirahan ng ipis na lumalangoy kasama ang mga tae at basura, hindi ko mapigilan ang galit haha pero walang personal experience kundi national experience ika nga. Tapos minsan nakita ko may drugs tulad ng cocaine, marijuana at shabu, syempre pera din yan ng mga politiko. Mukhang nawawala tayo sa topic kaya ibabalik ko sa pelikula tungkol sa politika kung saan si Mayor ay nasusuhulan, nauuto (kaya nga naging opisyal tapos na-uto lang), nareregaluhan, at higit sa lahat yumayaman, naks naman. Syempre talo dito ang GS pero sa huli kulong si Mayor di kaya si Congressman o si Gobernor. Pero sa lahat ng kwento ay wala man lang Senator, House Speaker, Presidente o Supreme Court puro na lang nasa mababang kapulungan o yung mga mababa ang pwesto. Pansin ku din na sila ang talamak sa kurakot (yung mayor, CG, at Gob.) kasi nga sa kanila napupunta ang pera, hayzz. Alis na nga tayo baka kung anu pa ang masabi ko sa kanila kasi naman eh.

Sa mga baril at kagamitan sa laban naman tayo, dito ako bilib sa artista kasi ang galing umiwas sa bala, tapos ang babano ng kalaban, babaril na lang puro “miss” anu ba yun may evasion na 100%. Ang gusto ko nga manyari doon ay mabaril sila ng todo todo yung kamo full magazine ng baril ay maubos para sa bida ng pelikula. Ganun talaga kapag malakas kay Direk laging panalo ang bida, kaya nga bida diba, pero bakit si Shakespeare ang bida laging dead on arrival or nagsuicide, bakit sa atin walang man lang na namatay na bida or so called Tragedy. Sa pagsaksak o pagpalo dito mas bano ang kalaban, humihinto ba naman sa eksena kung saan bugbog siya ng bida na gamit ay kamao o bolo para tagain siya pero tanga talaga eh, yung kamo pagkapalo niya ay hihinto para pagbigyan ang bida, eh kung hindi ka tatanga ay di hindi ka mabubugbog. Minsan nga eh parang ang tingin sa kanila ng audience ay walang laman ang ulo akalain mu nalulusutan ng bida haha. Anyways, ganyan ang pinoy pina-pahina ang tingin sa mga BS na malalaki ang katawan.

At ang huli ay tungkol sa fantasya dito talaga marami akong gustong sabihin hehe. Dito sa larangan ito favorite ng pinoy, kahit ang sagwa ng effects. Pero may nakita akong sobrang natawa ako yung umilag sa bala kahit nasa tapat na ito, pramis wow talaga, ni wala man lang galos $%#@! whoo. Yung next ay yung fighting style parang masagwa din kasi ang pangit ng porma, yung espada parang di bagay sa humahawak ang baduy. Ang pagbaril naman parang hindi makatotohanan kasi yung camera angle hindi tulad ng Counter Strike kasi hindi gumagalaw o nag bunny hop. Yung pagsanga hindi tulad ng Spartans sa pelikulang 300, dapat may “awoo, awoo”. Ang pagpatay ng tao gamit ang kutsilyo medyo astig kasi murder eh, yung dudugo talaga, pero pag nag assassinate tulad ng gangbang na nakuha sa salitang tambangan na ang ibig sabihin ay ambush ay korny ang pelikula dyan. Kapag korner ang bida laging nakakaligtas, dapat nga masabugan sila ng sasakyan nila para bongga haha. Pero dapat sa fantasy tayo, ang comment ko lang ay dapat wag nyo madaliin kasi naman baduy, korny, pangit, sagwa, dingaloo, chenez, cheverly, badet, at marami pang kadirihan sa effects hehe. Kaya sa huli dapat mag-isip kayo ng bago please lang huh……… at tsaka dapat yung kaakit-akit yung mga eksena yoko na tulad ng kalumaan magbago na kayo para sa bagong taon. “awoo, awoo”

Ipinaskil sa Kalokohan, Jokes, Kwento, movie, Book | Minarkahan: , , , , , , , , , , | 1 Puna »

 
Follow

Get every new post delivered to your Inbox.