Basti’s blog

Just another WordPress.com weblog

  • Imbakan

  • Ang huli kong ginawang kalokohan

  • Tungkol sa aking Blog

    uhhmm.... tungkol lang naman ito sa mga pinoy na walang magawa, mga pinoy na choosy, mga pinoy na kyut (oops baka may flatter), mga pinoy na alam mo na, mga pinoy na drogista at demonyo tulad ng aking mga tropa pero hindi lahat.

    Pasasalamat: Salamat sa aking mga guro at friendships Salamat sa coke at sa eat bulaga (search nyo sa youtube "wowowee) Tenk u for ur comments wooot Salamat sa aking family for their support Tenk u din kay Lord binigay dahil sa blessings un lng tska pakibasa na dn ung gawa ko pero hindi ko balak kalabanin si Bob Ong hehe
  •  

    Disyembre 2008
    L M M H B S L
        Ene »
    1234567
    891011121314
    15161718192021
    22232425262728
    293031  

Paskohan!

Posted by basti sa Disyembre 21, 2008

Sa Pilipinas na siguro ang pinakamasayang pasko.

Alam mo kung bakit…….

Unang una masarap ang handa dito kasi kahit spaghetti, pancit, chicken, adobo, mechado, caldereta, afritada, pork chop, nilaga, sinigang, pritong isda, lechon kawali, lechon baboy, lechon manok, pizza, ampalaya, asuzena, isaw, at laman ng kabayo di ata palalagpasin matikman ng mga pinoy. Mabubusog ka nga sa mga pagkain dun eh, pati yung mga aso at pusa namin, lalo na yung daga at ipis nagdidiwang din ng pasko. Marami ang tira- tirang pagkain eh, sayang nga di man lang nakain ang iba, kaya nga meron tayong aso at pusa at ipis at daga, kaso di rin nila kaya. Ang solusyon itatabi sa refrigerator, kaso tulad ng pansit o basta di kasi ako magaling dyan, napapanis. Pero ok lang yun, basta masaya ang pasko at ang essence nito ay para mag share ng blessings sa mga kapitbahay at tao sa iyong paligid.

Ikalawa ay yung uhhmm, Exchange Gift ba, dito ang unique na exchange gift kasi dapat pantay ang presyo. Kapag may naiwan ngang tag price sa regalo at ang nakalagay ay 100 pesos, kung saan ang pinagusapan ay 150 pesos, pramis iisipin nyan nadaya ako. Pero ok lang yun kasi kahit anong regalo na nakuha dito tulad ng laruan, damit, mug, candle, frame, wallet, libro, watch, alkansya, design, hanger, speaker, webcam, digicam, PSP, cellphone (N95/Iphone), Desktop, Bike, Kotse o di kaya babae. Halimbawa ako ay 20 years old na lalaki at iniregalo sa akin ay teddy bear, syempre medyo disappointed ka at iisipin mo “Pede ba teddy beer na lang” edi mas ok pa kung ganun. Pamimigay mu na lang yan sa kapatid mo o sa syota mo at irerepack mo na lang.

Ikatlo yung Pamilya ba. Sa amin pupunta yan sa isang lugar para magcelebrate ng pasko, specific ay yung sa bahay ng lolo namin dito. Astig nga eh, akala mu nga parang nagkasakit ako nang cancer at last day ko na yun. Tsaka pag andito mga pinsan ko pramis magulo ang bahay, yung mga gift wrapper iiwan sa lapag, yung plastic ng lalagyanan iiwan din, yung virus nilang dala galing sa bahay nila dala hanggang dito, at yung kanilang kulit pocha hanggang dito dala nila. Uhmmm… pati siguro yung kalat nila sa bahay dinala dito yung alikabok. Minsan nga nakikitulog pa dito (Nakatira ako sa bahay ng lolo ko) kapal ng mukha di pa nagdala ng sariling kutson hayyz. Pero ok lang kasi gusto ko yung maingay at maraming kausap tila nga karaoke bar pag gabi kasi may nagkakaraoke sa labas ang ingay yung mga kanta, uhmm.. mga Eagles, AirSupply, Heart, Nazareth at ewan ko ba. Pati ata Asin meron hayzzz.

Ikaapat ay yung Christmas decoration, yan ang nagpapaningning ng ating pasko. Sa lahat ng celebration dito pasko ang pinaghahandaan kasi nga ito ang pinakaimportante. Tayo nga nag-pauso ng simbang gabi tapos may kasamang puto bumbong at bibingka sarap nun haha. Akalain mo yun ngayon taon ay maraming gumawa ng giant christmas tree, pati belen at iba pang decorations. Astig nga eh lalo na yung sa Policarpio st. ata yun sa Marikina mga mayayaman dun bongga yung design, yung bahay mismo di na kita sa sobrang dami ng ilaw. Pero babala daw sa mga gumagamit ng Christmas lights na bili lang sa mga bangketa baka mag short circuit at baka masunog ang bahay nyo. Hirap kaya nun, yung bahay mo sunog tapos magpapasko, masakit talaga yun, lalo na kapag may namatay. Buhay nga naman.

At ang huli yung usapan ba. Masaya yun kasi kwentuhan haha. Nagkakagulo dahil may iba’t ibang kuro kuro sa iba’t ibang panig. Nagkakasiyahan dahil sa kwelang patawa ng mga utol mo, pinsan, tito, tita, nanay, tatay, bantay, multo, batang lansangan, bwisita, at iba’t iba pang mga nilalang na nakikita. Meron nga nalulungkot kasi pangit nakuhang regalo, kaunti ang aguinaldo at heart broken, peste pangit na araw nila, mag emo na lang kayo. Korny yun dapat tayu ay mag saya para masaya ang ating alaala dahil sa araw na yun tayo ay dapat magpasalamat na buhay pa tayo hanggang sa araw na yun. Ang buhay ay parang speaker kung anu-ano ang napapakikingan, pwedeng mahina, pwedeng malakas subalit maaring patayin o tanggalin ang saksak at pagsira na ay pwedeng itapon.

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

 
Follow

Get every new post delivered to your Inbox.