Basti’s blog

Just another WordPress.com weblog

  • Imbakan

  • Ang huli kong ginawang kalokohan

  • Tungkol sa aking Blog

    uhhmm.... tungkol lang naman ito sa mga pinoy na walang magawa, mga pinoy na choosy, mga pinoy na kyut (oops baka may flatter), mga pinoy na alam mo na, mga pinoy na drogista at demonyo tulad ng aking mga tropa pero hindi lahat.

    Pasasalamat: Salamat sa aking mga guro at friendships Salamat sa coke at sa eat bulaga (search nyo sa youtube "wowowee) Tenk u for ur comments wooot Salamat sa aking family for their support Tenk u din kay Lord binigay dahil sa blessings un lng tska pakibasa na dn ung gawa ko pero hindi ko balak kalabanin si Bob Ong hehe
  •  

    Enero 2009
    L M M H B S L
    « Dis    
     1234
    567891011
    12131415161718
    19202122232425
    262728293031  

Imbakan para sa Enero, 2009

Bagong taon, bagong swerte

Posted by basti sa Enero 10, 2009

Kung sa tingin natin ay kailangan natin ng new year’s resolution, pwes ako hindi, kasi hindi ko naman kaya baguhin kung anu ako. At sabi nga naman ng iba magpakatotoo ka, nakakatawa mang sabihin marami tayong pinaniniwalaan sa mga araw na ito siguro isa na diyan ang swerte.

Ang swerte ay yung kunyari nakapulot ka ng wallet at may laman ng picture ng maganda o gwapong tao na nakalaglag nito, calling card, prepaid card, barya, ticket sa bus at ang pinaka importante ay yung pera o credit card. Potek yan, di ko pa nararanasan yun, pero hindi natin topic yan kaya lumayo muna tayo.

Maraming lumalabas sa TV na pampaswerte pero sa lahat ng kakaiba ay yung pusa na gumagalaw yung kamay kung saan nagmumukha siyang tanga. Dapat ilagay yun sa ulo ng tao para laging kinukutusan pag may mali. Pero ang napansin ko sa kanya yung symbol sa ulo niya parang kay meowth sa pokemon, gold eh. Siguro yun yung swerte dun kasi ginto ang kulay tapos may gold bar sa ulo. Nagtataka lang ako bakit naman nila naisip ilagay ang gold bar sa ulo ng pusa? di ba?

Uhhmm…. May napansin pa ako, yung prutas tuwing bagong taon. Aba kompleto yan ng pamilya namin astig nga eh, kahit mangga at saging na sama. Pag nakompleto mo daw yung 12 na prutas ay swerte ka buong taon, ibig sa sabihin 12 months ng taon. Nakakatawang isipin na meron bang swerte bawat buwan, edi kung swerte ka lagi wala ka ng natutunan sa buhay. Sa pag-aakala ng mga pinoy na ang buhay dapat ipagkatiwala sa mga pamahiin nagkakamali sila. Haha.. di talaga ako naniniwala sa mga ganyang bagay dapat tayo ay ang magdesisyon sa buhay nyan.

Pagpapaputok isa pa sa mga kalokohang paniniwala ng mga pinoy, pag nag-ingay aalis ang malas. Panung aalis? eh kung global warming ang kapalit ay kawawa naman tayo. Di lang yun, pati mga sugat o putol na daliri dulot ng mga paputok, watusi ingestion at stray bullet. Pag-usapan natin itong mga ito.

Bakit pa ba tayo nagpapaputok eh kung marami namang masamang nangyayari kahit nga malanghap mo ang usok nito baka magkahika ka di ba?. Marami na ang naputulan ng daliri diyan sa mga paputok kahit paa at binti, lalo na yung mga bata. Unang dahilan namumulot, dito kasi ako natatawa, bat mo pupulutin kung hindi pumutok? tanga di ba?. Pero yan talaga ang unang sanhi, katangahan haha, pero di ito biro kasi naman kulang sa tinatawag na awareness. Ikalawa nadadamay lang, yung mga nanunuod lang. Mahirap kaya yun tulad ko na piccolo lang ang kaya kong paputukin sa kalsada. Bakit malapit pa sa tao? para magpapansin, eto talaga problema sa atin katangahan. Watusi ingestion meron din mga 2, at bata pa. Kawawa naman at curious lang talaga ako kung anu ang lasa ng watusi. Di ko lang magets talaga kung paano nalunok. Hindi ba katangahan uli ang sanhi. At ang huli ang stray bullet, dito delikado ang lahat, kasi hindi mo alam kung saan galing tsaka bakit ka naman magpapaputok ng baril tuwing new year. Isa lang masasabi ko ang BOBO mo. Kung sino man nagpapaputok at nakatama ng bala isa kang tanga!. Di naman sa galit at ako’y tinamaan ng bala, eh hindi kasi humaharap kung sino ang may sala sa mga balang tumama. Katangahan talaga ang sanhi ng disgrasya sa mga Pilipino.

Dumako naman tayo sa Feng shui, kung sa tingin nyong magaling ang Feng Shui sa swerte, ok lang yan. Sabi nga naman ng Simbahang Katoliko “ok lang maniwala pero wag iaasa dito ang kapalaran”. Tama nga naman, pero may naikwento sa akin dyan, tungkol kay Marcos. Alam mo kung bakit may agila pag-pupunta ka ng Makati? at bakit mayaman ang Makati?. Dahil pinalagyan ito ni Marcos sa paniniwalang pinipigilan ng agila ang pagpasok ng malas sa Makati. Wow diba, astig nga eh, pero hindi pa din ako naniwala kasi ginawa naman talagang Center of Finance dahil walang nakatayo na bahay at building o barong barong dun kasi malambot ang lupa. Oh yan ah, di naman sa kontra ako, opinyon ko lang. Pati bagua, yung octagon na may salamin sa gitna tapos sinasabit sa pinto pero yoko nun baka malas kasi napanuod ko sa Feng shui na palabas ni Kris haha.

Tapos yung mga horoscope diyan di talaga kapanipaniwala lalo na yung sa Libre yung nakukuha sa LRT haha. Laging binabasa ng mga klasmayt ko potek nga yan eh, puro kalokohan tsaka paano malalaman ang ganung pangyayari kung hindi ka nakikita di ba? Tsaka isa pa ay yung pagsusuot ng mga pampaswerte, wag tangkilikin, Tankilikin ang sariling ating yung anting anting haha. Lucky numbers, lucky colors, at lucky day, isa to’ sa mga hindi ko talaga paniniwalaan, kung sa lotto pagbabatayan ibabalik ko talaga yung bayad sa paghuhula ng numero. Kahit lucky colors eh, panu kung wala kang t-shirt na pink o kung rockstar ka, eh ipinayo sa iyo ay white or yellow, so malas ka.

Sa opinyon ko lang, To see is to believe, bakit nakita mo bang nagkatotoo. At huwag idepende ang buhay sa hula. Kundi baka maging test paper ka na puro hula.

Ipinaskil sa bago, Kalokohan, kamangha-mangha, Kwento, review | Mag-iwan ng Puna »

 
Follow

Get every new post delivered to your Inbox.